Una sa Balita

Pinoy resto patok sa NY

0 356

PINIPILAHAN ngayon sa New York ang isang restaurant dahil sa mga lutong Pinoy na inilalatag sa mga costumer.

May pangalan itong Tsismis NYC na pinapatakbo ni executive chef Jappy Afzelius na dating nakatrabaho ang mga sikat na master chef tulad nina David Burke at Alain Ducasse.

Gumagamit si Afzelius ng mga rekadong pinakurat na suka, cane vinegar mula Negros, spicy bagoong at banana ketchup.

Mabenta sa kanyang puwesto ang appetizer na kale laing, caesar sa­lad na may kasamang tuyo. Nakaaadik din umano ang tinapa croquetas. Panghimagas naman ang maja blanca at silvanas.

Available rin siyempre ang San Miguel Beer sa Tsismis NYC.
Sinabi ng chef na sa paghahain nila ng mga lutong Pinoy ay inilalapit din nila sa Amerika ang kultura ng Pilipinas.

Ang restawran ay pagmamay-ari nina Reggie Aguinaldo at Stephen Dee Young at matatagpuan sa Lower East Side.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy