Una sa Balita

Pinoy priest napiling pinuno ng Dominican Order

0 392

NAHALAL bilang new Master of the Order of Preachers (OP) o mas kilala bilang mga Dominican ang isang Pilipino priest na si Father Gerard Francisco Timoner III.

Si Timoner ang unang Asian Master of the Dominican Order na nahalal noong Sabado sa Bien Hoa sa Vietnam na kung saan ang mga Dominican mula sa 80 na bansa ay nagdaos ng general chapter o world conference na magtatapos hanggang Agosto 4.

Papalitan ni Timoner si Very Rev. Bruno Cadore, isang French physician at bioethicist na nagsilbi bilang OP Master noon pang 2010.

Ang OP Master ay nakatakdang magsilbi ng siyam na taon matapos ang kanilang eleksyon at walang re-election na gagawin pa.

Sa pamamagitan ng naganap na eleksyon, magiging 88th successor of St. Dominic de Guzman si Timoner. Magkasama ang mga Dominican at Franciscan na bumuo ng simbahan.

Sa panahon ng Age of Conquest ng 15th at 16th centuries, ang dalawang friar-orders ay kabilang sa unang misyonaryo na nagbasbas ng ‘New World’, na Americas at sa susunod ang Pilipinas.

Si Timoner ay isang Cadore’s socius o assistant for the Asia-Pacific na nanatili sa Santa Sabina church, isang Dominican curia sa Aventine Hills sa Rome mula pa noong 2017.

Simula ng 2014 si Timoner ang nag-iisang Pilipino na miyembro ng International Theological Commission (ITC), isang advisory body sa Santo Papa Francis.

Ang huling Pilipino na miyembro ng ITC ay si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Si Father Timoner ay isinilang noong Enero 26, 1968 sa Daet, Camarines Norte na nakapagtapos ng philosophy degree sa Philippine Dominican Center of Institutional Studies sa Santo Domingo Church sa Quezon City noong 1991 at ang kanyang theology degree sa University of Santo Tomas (UST) noong 1994.

Siya ay na-ordain sa pagkapari noong Mayo 14, 1995. Nakuha niya ang kanyang Licentiate sa Sacred Theology and Master’s in Intercultural Theology mula sa Catholic University of Nijmengen sa Netherlands noong 2004. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy