Una sa Balita

Pinoy photojournalist wagi sa UK

0 140

Isang Pilipino ang nagbigay ng kara­ngalan sa bansa matapos na magwagi ng Ian Parry Award for Achievement sa Uni­ted Kingdom.

Nagustuhan ng mga manunuri ang mga larawan ni Ezra Acayan, 24-anyos, da­ting stringer ng Reu­ters sa Maynila.

Idinokumento ni Acayan ang mga nabiktima ng war on drugs ng administrasyon na nailathala sa buong mundo at na­ging laman ng mga exhibit.

Sa pagkakapanalo ng Pinoy, ipinagkaloob sa kanya ang Ian Parry Scholarship, isang prestihiyosong grant sa photojournalism ng The Sunday Times sa Britanya.

Ang Ian Parry Award ay isang international photographic competition para sa mga batang photographer na sumasabak sa full-time photographic course at hindi lalagpas sa edad na 24.

Ipinangalan ito kay Ian Parry, isang 24-anyos na photojournalist na namatay nang bigyan ng assignment ng The Sunday Times sa Romanian revolution noong 1989.

Ang ibang winner ay si Salahuddin Ahmed, para sa Ian Parry Award for Potential dahil sa mga la­rawan nito tungkol sa Rohingyas ng Myanmar.

Makakatanggap ng cash award ang dalawang photojournalist at mentorship at partisipasyon sa exhibition sa Europe.