Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinoy photographer pang-world class ang galing

0 76

Isang Pinoy ang nagpatunay muli na kayang-kaya nating maipakita ang galing sa international level.

Napabilang kasi si Jophel Botero Ybiosa sa Top 10 International Photographer ng Professional Photographers Asia Community (PPAC) sa kanilang 2020-2021 edition, kung saan kabilang ang nasa 11 world class na photographer.

Pinili ang 10 photographer mula sa excellent result ng PPAC 1st Half, PPAC 2nd Half na Online International Competition 2020, at PPAC World Stars rating examination.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang sa mga pagkilala na natanggap ni Ybiosa sa mga PPAC competion ang 1st Place Winner sa People and Culture, 2nd Place Winner sa Smartphone Landscape, Silver Award sa People and Culture, Bronze Award sa Smartphone Landscape, at dalawang Bronze Awards sa People and Culture.

Bukod sa 50 award na nasungkit ni Ybiosa para sa Pilipinas, siya rin ang unang Pinoy na nagwagi sa nagwagi ng Gold Awards sa BIFA at ND Awards

Mayroon na rin kabuuang 50 awards para sa Pilipinas noong 2020 at unang filipino na nagwagi ng Gold Awards sa Budapest International Foto Awards (BIFA) at Neutral Density Photography Awards. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.