Una sa Balita

Pinoy nakabingwit ng Lithuanian sa IG

0 590

Hindi umubra ang porma ni Eugene Galang sa mga Pinay dahil sa hindi siya kaguwapuhan.

Pero nasungkit naman ni Eugene ang puso ng isang magandang Lithuanian dahil sa kanyang kabaitan at sense of humor.

Nakilala ni Eugene si Viktorija ‘Vika’ Chaya Radaviciute sa social media. Nag-hi at hello ang binata sa Instagram ni Vika at sumagot naman ito.

Kahihiwalay lang noon ng magulang ni Vika kaya’t naghanap ito ng makakausap sa social media at sakto namang nandoon si Eugene. Nagtagal ang palitan nila ng mensahe sa IG hanggang nagkapalagayan ng loob ang dalawa.

Noong Mayo 16, 2017, naging mag-on ang dalawa. Makalipas ang isang taon, lumipad si Vika sa ‘Pinas para makilala nang personal ang kanyang boyfriend. Ang kanilang pagkikita sa NAIA ay nakalikom ng 1.6 milyong views.

Marami ang nag-bash kay Eugene dahil sa itsura nito pero ipinagtanggol siya ni Vika.

Ayon sa dalaga, bilib siya kay Eugene at sa pamilya nito. “Eugene is a very religious guy and he is a family person and that’s what I really love from him.”

Nakabalik na sa Lithuania si Vika pero patuloy ang matamis nilang long distance relationship na maaaring mauwi sa kasalan sa hinaharap.