Una sa Balita

Pinoy naging pasaway sa Miss Universe

By
0 55

Pabibo ang mga beauty pageant expert dahil kanya-kanya sila ng pagla­labas ng analysis tungkol sa mga dahilan kaya natalo si Miss Universe Philippines Rachel Peters sa 66th Miss Universe na ginanap sa The AXIS ng Planet Hollywood noong Linggo, November 26, 2017, sa Las Vegas.

Irrelevant na ang analysis ng mga nagpapanggap na beauty contest expert dahil kapag loser, loser. Hindi na kailangan na pahirapan nila ang mga sarili dahil natanggap na ni Peters ang pagkatalo, sila na lang ang hindi.

Walang ipinagkaiba ang mga beauty pa­geant expert sa mga bo­xing analyst na biglang lumilitaw sa tuwing may laban si Senator Manny Pacquiao.

Maraming opinyon ang mga boxing expert kapag natatalo ang Pambansang Kamao pero magaling lamang sila na magsalita at maghanap ng mga mali dahil in reality, hindi naman nila magagawa ang buwis-buhay na pakiki­pagsagupaan ni Pacquiao sa mga ka­laban nito.

Umiral ang pagi­ging pasaway ng mga Pilipino na nanood sa The AXIS ng dress rehearsal ng 66th Miss Universe noong Sabado dahil kahit mahigpit na ipinagbabawal, nag-live stream sila sa Facebook ng mga kaganapan.

Ipinagmalaki ng isang Pinoy na nagbayad ito ng US$5,000 para mapanood ang dress rehearsal kaya may karapatan siya na gawin ang gusto niya.

Nagyayabang ang kababayan natin dahil $2,286 at hindi $5,000 ang presyo ng pinakamahal na tickets para sa VIP seats ng 66th Miss Universe.

Ilang beses na nilapitan at sinaway ng security­ personnel ang walang disiplina na Pinoy na ­ayaw magpaawat at palihim na kinunan nang live ang mga pangyayari sa dress rehearsal, gamit ang camera cellphone niya.

Pabibo, bida-bida at proud na proud ang Pinoy sa kabalbalan na ginawa niya pero sa paningin ng marami, nasayang ang kanyang mga pinag-aralan dahil hindi siya sumusunod sa mga ipina­tutupad na batas.

Nagawa ng pasaway na Pinoy na ‘bumili’ ng expensive Miss Universe ticket pero kailanman, hindi niya magagamit ang kanyang salapi para makabili ng breeding. How sad.