Una sa Balita

Pinoy nadale ng pagsabog sa Tripoli

0 249

INIULAT ng Philippine Embassy sa Tripoli na may isang Pinoy ang sugatan matapos ang nangyaring pagpapasabog sa ilang kabahayan sa Tripoli noong Martes, Abril 16.

Sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na ito ang unang pagkakataon na pinuntirya ang Tripoli proper simula nang sumiklab ang karahasan noong unang linggo ng Abril.

“We have one Filipino wounded in the forehead. He now wants to go home. We hope our kababayan in Tripoli would now realize the danger we have been warning them and would ask us to bring them home,” ani Cato sa kanyang official Twitter account.

Sa pinakahuling ulat, tinatayang apat ang nasawi habang 20 ang sugatan matapos targetin ang Southern district ng Abu Salim sa Tripoli ng Libyan National Army sa pamumuno ni Commander Khalifa Haftar.

Kaugnay nito nasa 19 Pinoy na ang nagpahayag ng interes na ma-repatriate pabalik ng Manila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy