Una sa Balita

Pinoy murder suspect dineport ng US

0 321

ISANG Pinoy murder suspect na nakatira sa San Francisco Bay ang idineport sa bansa kamakailan para harapin ang kanyang kaso.

Si Ezra Dave Maling ay inakusahan ng pagpatay sa kanyang live-in partner na si Rebeny Vergara noong Marso 2003.

Matapos ang krimen ay lumipad ito ng US at nagtrabaho bilang musical director sa Bay International Church sa Hayward, California na siyang nag-isponsor sa kanyang visa.

Kalaunan ay natuklasan ng mga kasamahan niya sa relihiyon ang ginawang krimen sa Pilipinas ni Maling.

Taong 2011 nang abisuhan ang homeland security sa arrest warrant kay Maling at inaresto ito noong 2015.

Martes, Mayo 21 lamang ipina-deport ng bansa si Maling at nasa kustodiya na ito ngayon ng Bureau of Immigration (BI) at Philippine National Police (PNP).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy