Una sa Balita

Pinoy interior design trade show irarampa sa Paris

0 146

KAHIT saang larangan ay siguradong hindi aatras ang mga Pilipino kaya hanggang sa Paris, France ay umabot ang talento ng mga Pilipino sa pagdidisenyo.

Tampok sa nangungunang interior design trade show sa Paris, France na “Mayson & Objet” ang koleksyon na disenyo na likha ng mga Pilipino.

Mula September 6 hanggang 10 ay ­irerepresenta ng 13 Philippine design brands sa Paris Nord ­Villepinte ang kanilang mga produkto na mula isa iba’t ibang bansa ang makakakita.

Ayon sa ulat ng The Center for International Trade and Exposition (CITEM) sa Good News ­Pilipinas, ­ipinagsama-sama ang mga naturang koleksyon sa temang “Kindred: A Design Collective” sa direksyon ng mga beterano sa sining na sina Rita Nazareno at ­Gabby Lichauco.

Kabilang sa mga dati nang lumahok sa ­naturang trade show ay ang CDO Handmade, CSM ­Philippines, Finali, Nature’s Legacy, ­Schema, Tali Handmade, Vito Selma, Weave Manila, at ­Zacarias 1925.

Samantala ang mga bago at unang beses na lalahok sa 2019 ay ang mga E. Murio, Halo Halo, JB Woodcraft, at South Sea Veneer.

Mula pa naman noon ay talagang proud ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pag-angat nito sa ­ganitong larangan at noon pa nga ay ­tumatanggap na rin ito ng iba’t ibang parangal gaya ng Junk Not Recycled Furniture sa Paris Design week noong 2018.

Bukod pa riyan, tumanggap din si Kenneth ­Cobonpue kasama ang kanyang award winning na mga upuan ng patimpalak sa US Product ­Design Competition at collaboration sa Star Wars ­furniture.

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy