Una sa Balita

Pinoy IM Olay hari sa Singapore chess

0 336

NAKAUNGOS sa tie-break si Filipino International Master Edgar Reggie Olay upang sikwatin ang korona sa katatapos na Hong Bao Rapid Chess Tournament 2019-Open na ginanap sa Thomson Community Club, Upper Thomson Road sa Singapore.

Nakapagtala ng anim na puntos si Olay mula sa five wins at two draws sa seven outings kaparehong puntos si Pinoy grandmaster Buenaventura “Bong” Villamayor pero nang ipinatupad ang tie break points ay natamo ng una ang 22.5 points laban sa 22.0 pts. ng huli.

Mga naging biktima ni Olay sina Soo Sheng Yuan ng Malaysia, Kai En Gerard Lian ng Singapore, Sheng Feng Ng ng Singapore, Zhenyong Jayden Wong ng Singapore at Villamayor sa sixth at penultimate round.

Tabla si Olay kina Hariharan Ashwin ng Singapore sa second round at sa kababayan na si Jimson Bitoon sa seventh at final round.

Ang Thailand-based na si Jimson, pamangkin ni US based Grandmaster Richard Bitoon, ay tumapos ng third-overall matapos ilista ang 5.5 points.

Ipinatupad sa one-day tournament ang 15 minutes plus 10 seconds increment time control format na nilahukan ng 50 woodpushers.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy