Una sa Balita

Pinoy hurdler sabik nang sumabak

0 121

RIO DE JANEIRO — Ibubuhos lahat ni Fil-American Eric Cray ang lakas sa Lunes sa pagsabak sa preliminary round ng men’s 400m hurdles sa makasaysayang Maracana Stadium.

Ang two-time SEA Games gold medalist at record holder sa 400m hurdlers ay sabik nang sumabak para maipamalas ang kanyang kakayahan sa pinakamalaking entablado ng athletics.

“I’m feeling good and I’m ready to race,” lahad ng 27-year-old na si Cray, na ipinanganak sa Olongapo City na ang ina’y isang Pinay at Amerikano naman ang tatay, pero sa Texas lumaki.

Si Cray, hawak ang best time na 48.98 seconds sa 400m hurdles, dumating dito sa gabi ng opening ceremony noong Agosto 5, ay wala nang ginawa kundi ang magpakundi­syon para sa event.

At sa Lunes, susubukan niyang makalampas sa preliminary round at makapasok sa semis kinabukasan. Kung papalarin, tatakbo siya sa final sa Huwebes.

Ang best time niyang 48.98 seconds, na itinala sa Madrid noong Hunyo  mapantayan man o malampasan niya ay sapat para dalhin siya sa finals.

Noong 2012 London Olympics, si Felix Sanchez ng Dominican Republic ang nanalo ng gold (47.63), kasunod si Michael Tinsley ng US (47.91) at Javier Culson ng Puerto Rico (48.10).

Ang fourth hanggang sixth places sa London ay naorasan ng mababa sa 49 seconds, ibig sabihin, malaki ang tsansa ni Cray, basta’t mapanatili lamang niya ang personal best.

“That’s the goal  make it through the rounds and make it to the finals. The goal is to get out of the preliminaries and make it to the semis,” komento pa ni Cray.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy