Una sa Balita

Pinoy guguhit ng X-Men comic book

0 306

MASUWERTENG napili ang Filipino comic book artist na si Lei­nil Francis Yu para gumuhit ng mga X-Men superhero ngayong Oktubre.

Sa isinagawang Comic Con sa San Diego kamakailan, inanunsyo dito ang pagkakasama ng 42-anyos na si Yu sa listahan ng masuwerteng guguhit ng mga X-Men character.

Makakasama ni Yu si Jonathan Hickman na siyang gumawa ng storyline sa mga mutant superhero.

Ayon kay Yu, humanga siya sa storyline ni Hickman dahil sa mga makapigil hininga at kamangha-manghang eksena.

Nasasabik na tuloy si Yu sa pag-drawing ng storyline ni Hickman upang bigyang buhay ang kabayanihan ng mga X-Men character.

Ayaw namang ibulgar ni Yu ang plot ng comic series maliban sa pagsasabing ang setting nito ay sa outer space.

Unang nakilala si Yu dahil sa pagwawagi nito sa Wizard’s Drawing Board Contest. Agad siyang kinuha ni Whilce Portacio para magtrabaho sa Wildstorm Productions.

Ipinakita ni Portacio ang mga gawa ni Yu sa Marvel Comics at kinuha naman ang Pinoy para magdrawing sa Wolverine.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy