Una sa Balita

Pinoy fishing boat pinalubog ng China

0 280

ISANG Filipino fishing boat ang lumubog matapos itong banggain ng isang pinaghihinalaang Chinese vessel malapit sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon sa statement ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, ang insidente ay iniulat ng mga mangi­ngisda noong gabi ng Hunyo 9 ng taong ito.

Batay sa report, ang Filipino fishing boat na F/B GIMVER 1 ay nakaangkla nang banggain ito ng Chinese vessel, na agad ding umalis pagkatapos ng insidente.

“We denounce the actions of the Chinese fishing vessel for immediately leaving the scene of the incident, abandoning the 22 Filipino crewmen to the mercy of the elements. The F/B GIMVER 1 was anchored at the time when it was hit by the Chinese fishing vessel,” saad ni Lorenzana.

Ang lahat ng Pilipinong crew na umaabot sa 22 ay nailigtas ng isang Vietnamese fishing boat na nasa bisinidad sa tulong ng BRP Ramon Alcaraz na nagpapatrolya sa lugar.

Mariing kinondena ni Lorenzana ang ginawa ng Chinese vessel na pag-abandona sa 22 crewmen ng lumubog na fishin­g boat sa karagatan, na aniya ay hindi gawain ng mga res­ponsable at palakaibigang tao.

Nagpasalamat naman si Lorenzana sa kapitan at crew ng Vietnamese fishing vessel sa kanilang pagsaklolo.

“We thank the captain and crew of Vietnamese vessel, for saving the lives of the 22 Filipino crew. However, we condemn in the strongest terms the cowardly action of the suspected Chinese fishing vessel and its crew for abandoning the Filipino crew. This is not the expected action from a responsible and friendly people,” pahayag ni Lorenzana sa kanyang statement.

Nanawagan din si Lorenzana sa isang pormal na im­bestigasyon sa insidente at pagsasakatuparan ng kaukulang diplomatikong hakbang para maiwasang maulit ang insidente. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy