Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinoy engineer instant milyonaryo sa lotto

0 95

NAGING instant milyonaryo ang isang Filipino engineer matapos manalo ng $50,000 o nasa P2.4 milyong papremyo sa nangu-ngunang online lottery sa mundo na TheLotter.com.

Sa ulat, sinabing sinubukan lang ni Engineer B.J.L. na tumaya dahil sa mga naririnig niya sa mga nanalo na sa nasabing website. Nagbunga ito atnoong Marso 2021, nahagip ni B.J.L. ang papremyo sa US Powerball game.

Tinayaan daw ni B.J.L. ang kanyang ticket sa US Powerball draw noong Marso 10.

Kabilang sa mga numero niya ang 17, 18, 27, 37, 53 at ang Powerball Number 18. Lumabas sa official draw ay 17, 18, 37, 44, 53 at Powerball Number 18.

Natumpak ng engineer na taga-Maynila ang apat sa limang number pati na ang Powerball number.

Agad daw kinontak ni B.J.L. ang Customer Service team ng TheLotter. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.