Una sa Balita

Pinoy doctor arestado sa New York prescription drug bust

0 176

SIYAM na medical professional, kabilang ang isang Pinoy na doktor, ang dinakip ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust sa New York noong Huwebes.

Nakilala ang Pinoy na si Dr. Dante Cubangbang, 50-anyos, ng Franklin Square at nag-o-operate ng medical clinic sa Queens.

Inakusahan ang siyam na suspek ng pagkolekta ng milyong dolyar dahil sa iligal na pagreseta ng milyong oxycodone pills sa kanilang mga kliyente.

Ayon sa ulat, nagresete si Cubang at nurse na si John Gargan, ng mahigit anim na milyong oxycodone pills sa kanilang mga kilyente.

Mas malaki umano ang bilang ng kanilang prescription kumpara sa pinakamataas na prescriber sa New York.

Hindi rin umano isinasailam sa physical examination ang mga taong bumibili sa kanilang ng oxycodone pills.

Ang oxycodone pills ay isang uri ng opiod (narcotic) analgesic na ginagamit para mawala ang pananakit sa katawan.