Una sa Balita

Pinoy dance crew kuminang sa WGT-China

0 454

Ni Juliet de Loza-Cudia

KUMINANG nang husto sa World’s Got Talent (WGT) sa China ang Pinoy dance crew na Junior New System (JNS).

Kaagad na inilagay ng WGT judges bilang kasama sa semifinals ang JNS matapos ang kanilan synchronized dancing performance suot ang kanilang iconic golden stilettos sa unang episode ng show.

Nabatid na namangha ang mga kapwa judge ni David Foster sa performance ng grupo at nag-wish na sana ay ang grupo ang tangahaling kampeon sa WGT.

Ang opisyal na video ng JNS ay ipinost sa WGT social media kung saan nakalagay ang “Sassiest Dancers: Male Dance Group Impress on World’s Got Ta­lent.”

Nabatid na ang JNS ay pumasok na rin sa finals sa unang Asia’s Got Talent noong 2015 kung saan nanalo ang Filipino shadow playgroup na El Gamma Penumbra.

Ang naturang hip-hop dance crew ay lumahok rin sa America’s Got Talent noong 2018, kung saan tumanggap ng papuri sa mga judge at audience ang kanilang ginawang performance.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy