Una sa Balita

Pinoy couple nasawi sa nasunog na Paris apartment

0 397

KABILANG ang mag-asawang Pilipino sa mga nasawi sa nasunog na apartment sa Paris, France noong Martes, Pebrero 5.

Naunang inulat na nawawala sina Francisco at Cresencia Abalos, mula sa Mangaldan, Panga­sinan pero kinumpirma ng kanilang kaanak na kabilang ito sa 10 nasawi sa sunog.

Ang mag-asawang Abalos ay naninirahan sa ika-walong palapag ng Rue Erlanger apartment sa southwest ng Paris.
May tatlong anak ang mag-asawa na naninirahan din sa Paris.

Nakaligtas naman sa sunog ang apat pang Pinoy na naninirahan sa apartment. Nakilala itong sina Norma Batara at pamangkin na si Sherilyn Batag na nakatira sa ikatlong palapag, at ang mag-asawang sina Ferdinand at Mary Grace Alcozer.

Isang 40-anyos na babae na sinasabing may ‘psychological problem’ ang inaresto ng pulisya dahil sa ito ang itinuturong sumunog sa apartment.

Lasing pa ito nang damputin ng mga pulis at pati na ang patrol car ay gusto umanong sunugin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy