Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinoy businessman binoga sa harap ng anak

0 76

Patay ang isang Pinoy restaurant owner matapos itong barilin sa harap ng kanyang 11-anyos na anak noong nakaraang linggo sa Oakland, California.

Binaril at napatay ang biktimang si Angel ‘Jun Anabo’, 37-anyos, co-owner ng Lucky Three Seven, sa labas ng nasabing restaurant sa kanto ng Fruitvale at Vrookdale Ave., bandang alas-9:40 ng gabi noong Miyerkoles.
Dinala pa ito sa Highland Hospital pero binawian din ng buhay.

Sinabi ng kanyang kaibigang si Marcus Gomez na napalabas siya ng restaurant matapos siyang makarinig ng anim na putok ng baril at nabungarang nakabulagta ang biktima habang umiiyak ang anak nito.

Isa sa mga tinitingnang anggulo sa krimen ay may kinalaman sa ibinentang carnap na truck sa biktima.

Hindi umano alam ni Anabo na nakaw ang ibinentang truck sa kanya na binayaran nito ng $15,000 para sa kanyang kamag-anak. Pinag-aaralan na ng pulisya ang mga kuha sa CCTV sa lugar. (Dave Llavanes Jr.)

Leave A Reply

Your email address will not be published.