Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinoy bumida sa naimbentong petmalung e-trike

0 124

PUWEDE nang i-enjoy ang pagbibisekleta na literal na may kaangkas.

Ito’y makaraang maimbento ng isang dating Philippine All Star dancer na si Kyxz Mendiola na nahilig sa pagbibisekleta ang isang three whelled, two-seater electric trike na tinawag niyang RT32 Atlantis na mai-enjoy na may kasama.

Bukod sa e-trike, nauna na ring kinilala si Kyxz dahil sa naimbento nitong flying sports car.

Ang E-trike ay may 1000-kilowatt kapasidad at kakayahang maglayag ng 40 kph sa layo na 100 kilometers.

“It’s really designed so that families can bond while biking. Iba kasi yung naka-tandem, mas masaya kaysa regular biking together,” ayon kay Kyxz.

Ang E-trike ay may sensor na magpapaandar sa motor kung papadyakan ang pedal. Gumagana ito na parang isang regular na bisekleta na maari mong pabilisan o pabagalin.

Ayon pa kay Kyxz, magandang panggala ang kanyang imbensiyon sa Kalunsuran subalitaari din itong gamitin na pangmalayuan. Kamakailan lang, sinubukan ng mag-amang Edwin at Kyxz na gamitin ito papuntang Tanay Rizal.

Ang e-trike ay mas magaan sa regular na motorsiklo at siniguro ni Kyxz na madali itong imaniobra kahit sa mga pataas na lugar at environmental friendly dahil hindi ito ginagamitan ng gas.

Makikita mo rin sa kanyang LCD display bilis ng takbo, distansiya at buhay ng kanyang baterya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.