Una sa Balita

Pinoy Bretman Rock tinanghal na ‘beauty influencer’ sa US

0 453

Todo party ang Filipino online community sa iba’t ibang panig ng mundo dahil kinilala ang Pinoy vlogger (naka-base sa USA) na si Bretman Rock bilang “Beauty Influencer 2019” sa E! People’s Choice Award sa Los Angeles.

Well-deserved naman talaga ng naturang vlogger ang award na iyon with his 6.72M followers, ha! Hindi lang mga Pilipino ang tumatangkilik sa kanyang mga vlog kundi pati rin ang mga foreigner sa iba’t ibang bansa. Talagang nalilibang ang mga ito sa kanyang mga pakulo sa YouTube at maski sa kanyang iba pang social media post.

Nakaka-touch naman ang post ni Bretman kung saan sinabi niya na dedicated sa kanyang ama na napaka-supportive ang kanyang achievement bilang Beauty Influencer 2019.

“I want to dedicate this award to my dad who has always supported and loved me unconditionally (heart emoji) I love you so much and I will always be grateful for allowing me to express myself and defended me whenever haters said anything.. This one is for you Papa… I hope I make you the proudest.. I remember I would always watch my grandma put on makeup for church and that’s when I fell Involve with makeup and vanity… ugh I’m just lost for words,” sabi niya sa kanyang post kalakip ang kanyang slaying awra picture sa red carpet ng naturang event.

At ‘di lang ‘yan, ha! Kasama niya sa mga nominated para sa award na iyon ay ang kanyang BFF na si Nikita Dragun, James Charles, Jefree Star, Desi Perkins at marami pang iba na tanyag na rin sa industriya ng vlogging.

Bukod pa sa latest achievement bilang Beauty Influence 2019, kabilang na rin siya ngayon sa mga ambassador ng isang sikat na sports brand.

Samantala noong June naman, naging cover pa siya ng magazine na Gay Times para sa Pride Month issue. Dala rin iyon ng kanyang adbokasiya sa pagtatayo ng bandera para sa LGBTQIA+ community sa buong bundo.

Naimbitahan din siya kamakailan sa Elle Magazine and Vanity Fair event at rumampa rin sa New York Fashion Week. How to be you po, Bretman? (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy