Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinoy boxer Duno bibira

0 222

ISANG Pinoy na naman ang magpapasiklab sa bisperas ng Bagong Taon matapos kasahan ni Filipino fighter Romero Duno ang undefeated lightweight contender na si Frank Martin.

Gaganapin ang 10-round bout sa event na Premier Boxing Champions New Year’s Day sa Hard Rock Seminole Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, sakaling mapatumba ni ‘Ruthless’ Duno si Martin sa Enero 31 ay ito na ang ika-4th straight win niya.

Magugunitang pinatulog ni Ryan Garcia si Duno taong 2019 ngunit hindi ito naging hadlang sa Pinoy boxer para muling bumangon noong 2020 hanggang 2021 kung saan sa kanyang pagresbak ay napatumba nito ang tatlo niyang sumunod na kalaban.

Mas liyamado rin sa record ang tubong Maguindanao fighter dahil hawak nito ang 24-2-0 record na may 19 KOs habang si Martin ng Indianapolis ay bitibt ang 14-0 kartada. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.