Una sa Balita

Pinoy blind singer inimbitahan sa ‘Ellen DeGeneres Show’

0 589

Matapos mag-viral at umani ng papuri ang biglaang pag-awit ng isang netizen na nagngangalang si Carl Malone Montecido sa isang grocery store, nakatanggap naman siya ngayon ng imbitas­yon mula sa International host na si Ellen DeGeneres.

Winner na winner nga siya dahil pinuri siya nina Kelly Clarkson at Sam Smith.

Excited na nga raw si Carl na mag-guest sa nasabing programa lalo na’t sa Amerika iyon. Matatandaang naging kalahok si Carl Malone noong 2018 sa “Tawag Ng Tanghalan”, at sinong mag-aakala na mas bongga pa sa pagkapanalo sa TNT ang kanyang makakamit ngayon just by being viral?

Ngayon nga ay nagsisilbing inspirasyon din si Carl sa mara­ming tao dahil ipinapakita sa kanyang istorya na darating talaga ang panahon na mabibigyan ng big break sa ‘di inaasahang pagkakataon.

Binansagan na nga rin siyang “Blind ­Ba­lladeer ng Bacolod” ngayong pinag-uusapan talaga ang husay niya sa pag-awit sa social media. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More