Una sa Balita

Pinoy bet sosyo sa 42nd spot

By
0 1

Bigong masustenahan ni Miguel Luis Tabuena ang mainit na umpisa noong Huwebes kaya nagkasya muna sa eight-way tie para sa 42nd place sa 31st Summer Olympic Games gold men’s individual first round sa Olympic Golf Course sa Rio de Janeiro City, Brazil.

Dumating ang 21 years old Manileño sa venue na nakatingala sa maayos at matibay na unang yugto. Nai-pars niya ang first two holes, pagkaraan na-bir­die ang sumunod na dalawa sa tatlong butas pa-two-under score sa early round.

Pero hindi siya naka-birdie sa last four holes ng front nine at napatrobol sa back-to-back bogeys sa Nos. 10 at 11, bago naisalba ang par 5 pa-par 4 at pa-even. Sinikap ni Tabuena na mahigitan pa ang 514-yard No. 12 pero inabot siya ng bogey sa 13.

Nagpilit pa rin siyang makabawi sa birdie sa sumunod na butas na 299-yard par 3. Pero iyun na ang mabubuti niyang hambalos sa pagbubukas ng torneo dahil nag-bogey na naman siya sa huling tatlong butas kaya buhat sa two-under early sa round, winakasan niya itong two-over 73.

Pinasok ni Marcus Fraser ng Australia ang brand-new Brazilian course at sinikwat ang opening round sa umuusok na eight-under 63, na-birdie ang five ng first six holes ng front nine at apat pa sa back nine.

Iwan lang ng tatlong palo ang magkasalo sa 2-3 na sina.Canadian Graham Delaet at Swede Henrik Stenson na may identical rounds na five-under 66.

Kabuhol ng Pinoy pro sa 73 sina Sergia Garcioa ng Spain, two-time Masters champion Bubba Watson ng Estados Unidos at limang iba pa.

Dahil may three rounds pa, tiwala pa si Tabuena sa kanyang tsansa sa pagbabalik ng sport sa quadrennial sportfest matapos maglaho ng 112 taon.

“I won’t give up for you guys,” giit ni Tabuena, na hinirit na malaking bagay ang hangin at umaa­sang makakatirada siya sa Biyernes sa 7:52 a.m. dahil may kahinaan pa ang hangin sa umaga.