Una sa Balita

Pinoy bet Gangozo kampeon sa UAE

0 205

TUMIKADA ng back-to-back wins sa last two rounds si Pinoy woodpusher Rolando Gangozo upang sikwatin ang titulo sa katatapos na Al Maqam Chess Championship 2019 na ginanap sa Alain Chess Club sa UAE.

Nakalikom si Gangozo ng 6.5 points sa seven rounds, kaparehong puntos ni Romaithi Al Ahmad ng host country, subalit matapos ipatupad ang tie break ay inuwi ng Pinoy ang korona.

Kasalo si Gangozo sa second spot matapos ang round five, tangan nito ang 4.5 pts. nangunguna noon si John Vincent Cayaba na isa rin Pinoy, hawak ang limang puntos.

Pero tinalo ni Gangozo si Cayaba sa sixth at penultimate round at si WCM Wafia Darwish Al Maamari ng United Arab Emirates sa last round, sapat para magkampeon.

Nakopo ni Ahmad ang second place habang lumanding sa No. 3 si Cayaba.

Nagpakitang-gilas din si Pinoy chesser Saidamen Lao, nagtala ng limang puntos para okupahan ang fourth spot. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy