Una sa Balita

Pinoy bet Benemerito 2nd sa UAE chess

By
0 121

LUMANDING sa second place si Pinoy chesser Rudyard Benemerito matapos kaldagin si Sarvesh Manimuthu ng India sa fifth at last round ng 5th Josh Junior Under-16 Chess Tournament sa Sharjah, UAE Biyernes ng gabi.

Nakapagtala si Benemerito ng apat na puntos sa event na may five rounds at gumamit ng Swiss system, kapareho niyang puntos si Adithya Lochan Govind ng India, pero pagkatapos ipatupad ang tiebreak points ay nahirang na second place ang Pinoy.

May tsansa sanang magkampeon si Benemerito dahil perfect three points siya bago nagsimula ang round four, pero nabigo kay Indian woodpusher at No. 3 Rishi Vivekanandan kaya nakaungos si No. 2 Sukrit Ranjith Nelliyadan.

Si Nelliyadan ang nagkampeon matapos pagpagin sa last round si Vivekanandan, wala siyang talo sa limang salang.

Samantala, nakuntento sa eighth place ang isa pang Pinoy na si Joel Mendonca na kinaldag si Sreevalsan Gopal Karthikayini.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy