Una sa Balita

Pinoy band December Avenue kinabog sina Swift, Sheeran sa Spotify

0 410

Ang Pinoy band na December Avenue ang hinirang ng Spotify Philippines na “most streamed artist” for 2019. Ito nga raw ang first time na isang Filipino act ang nag-top sa annual list ng naturang streaming service.

Nakilala ang banda dahil sa hit single na “Huling Sandali” at “Kung Di Rin Lang Ikaw” with Moira dela Torre.

Kinabog ng December Avenue ang global pop stars na sina Taylor Swift at Ed Sheeran na nasa second and third place.

Pang-apat naman ay ang Pinoy duo na Ben&Ben at ang pang-lima ay si Ariana Grande.

Natuwa at nagulat ang members ng December Avenue sa pagkilala na ito ng Spotify. Last year daw kasi, wala sila sa Top 5.

For the global rankings, the most streamed artist for the year was Post Malone, Billie Eilish, Ariana Grande, Ed Sheeran, and Bad Bunny.

Heto pa ang ilang nag-top sa Spotify Wrapped 2019 Philippines Top Lists:

Most Streamed Artists (December Avenue); Most Streamed Male Artists (Ed Sheeran), Most Streamed Female Artists (Taylor Swift), Most Streamed Local Artists (December Avenue), Most Streamed Groups (December Avenue), Most Streamed Tracks (“Kung Di Rin Lang Ikaw” – December Avenue, Moira dela Torre), Most Streamed Albums (Lover – Taylor Swift). (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More