Una sa Balita

Pinoy balik-ngiti matapos ang 9 operasyon sa mukha

0 739

NAKAKANGITI nang muli ang isang 26-anyos­ na Pilipino matapos ang paghihirap niya ng apat na taon dahil sa luma­laking tumor sa kanyang mukha.

Kuwento ni Michael Mahusay, una niyang nadiskubre ang namumuong bukol sa kanang panga niya noong 2015.

Sa loob ng dalawang taon, lumaki ang tumor at naapektuhan na ang kanyang pamumuhay kung saan hirap na siya sa pagkain, pagsasalita at kinailangan na niyang takpan ang kanyang mukha ng bandana kapag lalabas. Iniwan din siya ng kanyang girlfriend at isinama ang kanilang anak.

Setyembre 2017, nagpatingin si Mahusay sa libreng medical consultation service sa Pedro Guevarra ­Elementary School sa Maynila kung saan inirekomenda ng mga doktor mula sa Tzu Chi International Medical Association (TIMA) na maoperahan siya para matanggal ang tumor.

Ang TIMA ang nag-asikaso para madala si Mahusay sa Hualien Tzu Chi Hospital sa Taiwan. Ang TIMA ay isang branch ng Buddhist Compassion Relief Tzu Chi Foundation na nag-aalok ng mga me­dical outreach service sa may 15 na bansa.

Ayon sa ear, nose at throat specialist na si Chen Peir-rong, isang cemento-ossifying ­fibroma ang bukol sa mukha ni Mahusay.

Isa itong benign pero kadalasang ‘fast-growing facial tumor’ na binubuo ng cementum, bone at fibrous matter.

Siyam na operasyon­ ang pinagdaanan ni Mahusay sa loob ng apat na buwan.
Sa kasakuluyan, masaya na si Mahusay­ dahil nakakakain na siya nang maayos at nagpapasalamat sa kanyang mga doktor. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy