Una sa Balita

Pinoy artist suki ng mga UAE royalty

0 530

Minsan pang napatunayan ang pagiging ta­lentado ng mga Pilipino matapos mamayagpag sa art industry ang isang Pinoy sa United Arab Emirates (UAE).

Sampung taon na ang nakalipas, sumugal si Ely Caluag sa industriyang ito sa pag-asang mapapansin ng mga Arabo ang kanyang talento.

Ngayon, isa siya sa kinikilala sa art industry sa pamamagitan ng kanyang brand na ‘Elygraf.’ Ginamit niyang inspirasyon ang architecture at futuristic development sa UAE.

Sanay siya sa paggawa ng graphic design, interior design, art and architecture at fine arts.

Ilan sa kanyang ginawa ay ang book cover ng ‘The Journey’ nia H.H. Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, kasama na ang 12 illustration ni Sheikh Zayed at Sheikh Mohammed sa libro.

Kinuha rin si Caluag ng Ministry of Education para gumawa ng book cover ngayong taon.

Subalit mas hinangaan ang kanyang husay nang tapikin ito upang ipinta ang larawan ng namayapang si Sheikh Zayed bin Sultan Al Nah­yan, ang founding father ng UAE.

Ang kanyang obra maestra ay permanenteng idinisplay sa atrium ng Emirates Group Headquarters at naging bahagi ng selebrasyon ng ‘Year of Zayed.’

Bukod kay Sheikh Zayed, ipininta rin niya ang ibang ruler ng UAE.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy