Una sa Balita

Pinoy arestado sa bomb plot sa Times Square

0 161

Kinumpirma ng mga prosecutor sa Estados Unidos nitong Biyernes na kabilang ang isang Pinoy sa tatlong katao na inaresto noong Mayo ng nakaraang taon dahil sa balakin na atakihin ang New York City sa ngalan ng Islamic State (IS).

Kasama umano sa plano na magpasabog ng bomba sa Times Square sa Manhattan pero napigil ito ng mga awtoridad, ayon sa tanggapan ni Acting U.S. Attorney Joon Kim sa Manhattan.

Hawak na ng mga awtoridad ng US ang 19-anyos na Canadian citizen Abdulrahman El Bahnasawy mula nang maaresto ito sa New Jersey noong Mayo 2016. Nag-plead guilty na ito sa kasong terrorism noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ang kasabawat nitong si Talha Haroon, 19-anyos, na US citizen ay naaresto naman sa Pakistan kung saan siya naninirahan noong Setyembre 2016 habang ang 37-anyos na Pinoy na si Russell Salic ay naaresto naman sa Pilipinas noong Abril ng nakaraang taon.

Inaasahan na ng US prosecutors na ie-extradite sina Haroon at Salic upang harapin ang kasong ‘conspiracy to commit acts of terrorism and to support a terrorist organization’.

Nahaharap sila sa habambuhay na pagkakulong kung mapapatunayang guilty.

Balak umano ni Bahnasawy na gumawa ng panibagong 9/11, kung saan pasasabugin ang car bomb sa Times Square at ‘shoot up concerts’. Katuwang niya sa pagpaplano si Haroon habang ang maghahanap ng pondo ay si Salic.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy