Una sa Balita

Pinoy archers sasabak sa Shanghai

By
0 2

Sasabak ang mga SEA Games bound archers sa World Cup sa Shanghai, China upang masukat ang kanilang kakayahan matapos ang kanilang trainings.

Magpapadala ang World Archery Philippines ng 16-man team sa May 17-21 sa World Cup bilang paghahanda sa lalahukang SEA Games sa Malaysia sa Agosto.

Binuo ang team matapos ang ilang serye ng eliminations, pangunguna­han ito nina recurve experts Flor Ma­tan,­ Gabriel Moreno, Kareel Hongitan at Nicole Tagle, kasali rin sina compound bets Amaya Cojuangco, Jennifer Chan at Paul De La Cruz.

Hindi na sumali sina Olympian Mark Javier at Asian Cup multi-medalist Earl Yap upang bigyan ng pagkakataon ang mga bata at bagong miyembro ng National squad.

Ang ibang kasali sa Shanghai ay sina Mary Queen Ybanez, Pia Bidaure, Rogelio Tremedal, Abigail Tindugan, Kim Concepcion, Joseph Vicencio at Niron Concepcion.

Pagkatapos ng Shanghai World Cup, dadayo ang team sa United States sa Hunyo para sa kanilang training camp bago tumungo sa World Cup Leg 3 na gaganapin din sa US at Asia Cup-3 sa Chinese Taipei sa Hulyo.