Una sa Balita

Pinoy archbishop bagong nuncio sa Spain

0 378

ITINALAGA ni Pope Francis bilang bagong ­Apostolic Nuncio sa Spain si Filipino Archbishop­ Bernardito Auza.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) inianunsiyo ni Pope Francis ang appointment ni Auza kamakalawa nang gabi sa Rome.

Pinalitan umano ni Auza ang nagretirong si Italian Archbishop Renzo Fratini, na humawak sa naturang puwesto mula pa noong 2009.

Nalaman na si Fratini ay may edad 75 noong Hulyo at obligado na siyang magsumite ng ­resignation sa Pope bilang kautusan sa ­canon law.

Bago ang appointment si Auza ay naging Holy See’s Permanent Observer sa United Nations sa New York mula noong 2014.

Sinabi ni Bishop Ruperto Santos ng Balanga na makahulugan at importante ang bagong tungkulin ni Auza.

“On the forthcoming grace-filled event of 500 years of Christianization of our country, the Philippine Church gives her gift and gratitude in the person of Archbishop Auza,” ayon kay Santos.

Nabatid na si Auza ay inordinahan para maging pari para sa Diocese ng Tagbilaran noong 1985. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy