Una sa Balita

Pinoy-American, 2 pa todas sa Hawaii shooting

0 374

Isang Filipino-Ameri­can ang kabilang sa tatlong nasawi sa insidente nang pamamaril sa Pearl Harbor, Hawaii nitong Miyerkoles.

Kinilala ang mga biktima na sina Roldan Agustin, 49, ipinanga­nak sa Laoag City at lumaki sa Hawaii at Vincent Kapoi Jr., 30.

Nasawi din ang suspek na si US Navy ­Sailor Gabriel Romero, 22 matapos itong magbaril sa sarili.

Base sa report, nitong Miyerkoles ay namaril ang suspek na ikinasawi ng dalawang biktima at isa pang biktima ang su­gatan bago nito binaril ang sarili sa Pearl Harbor Naval Shipyard sa Hawaii.

Ayon sa ina ni Agustin na si Ida, dalawang taong gulang pa lamang ang biktima nang mag-migrate sila sa Hawaii.

Kung saan ang biktima ay nagtrabaho bilang US Navy at Army National Guard bago ito naging metal inspector sa Pearl Harbor Naval Shipyard. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More