Una sa Balita

Pinoy akyat-bahay timbog sa US

0 425

MILLBRAE, CA - Arestado ang isang Pinoy na nanloob at nagnakaw sa isang bahay at opisina sa magkahiwalay na lugar sa San Mateo County sa California.

Inaresto ng mga pulis ang suspek na si Mark Puzon ng Daly City California matapos matukoy ng mga imbes­tigador na siya ang gumamit ng credit card na ninakaw umano nito sa dalawang biktima.

Sa report ng San Mateo Sheriff’s office, unang­ nilooban ng suspek ang isang opisina sa El Camino Real at tinangay ang identity at credit card ng hindi pinangalanang biktima.

Ilang araw matapos ang insidente ay umatake uli ang suspek sa isang bahay sa San Carlos at nagbakaw din ng mga identity at credit card at muling nag-shopping gamit ang nakaw na credit card.

Sa imbestigasyon, positibong itinuro ng sales agent sa Towne Center si Puzon na siyang gumamit ng mga nakaw na credit card. (Dave Llavanes Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy