Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Piñol: Lacson Tandem ‘di ampaw plataporma vs magnanakaw, droga

0 204

Pinakakuwalipikado, may karanasan si Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson para maresolba ang mga problema katulad ng kriminalidad, korapsyon, at ilegal na droga sa Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin ni dating Agriculture Secretary at Mindanao Development Autho­rity Chairman Emmanuel ‘Manny’ Piñol nang magdesisyon siyang suportahan si Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, kahit pa kilala siyang dating kakampi ni Pangulong Rodrigo Duterte at tumulong sa kandidatura nito.

“For as long as corruption is there, there is a reason for people to elect Ping Lacson. For as long as drugs are there, there will always be a reason to continue the campaign against drugs,” sabi ni Piñol na tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Lacson-Sotto ticket.

Ayon kay Piñol, kahit mawala ang problema na dulot ng COVID-19, may iba pang mas mala­lang mga problema ang patuloy na kakaharapin ng bansa at nakikita niya na sa lahat ng mga kandidato ang plano ng Lacson-Sotto tandem ang pinakamalaman.

Bukod sa nakatuon ito sa ugat ng problema, nilalatag din ng dalawang batikang public servants ang mga maaagap na solusyon sa mga pangmatagalang problema para sa ikagiginhawa ng buhay ng mga susunod na henerasyon.

“What are the constant issues then? Criminality, corruption, drugs. Maski mawala ‘yong COVID, nandiyan pa ‘yong problemang ‘yan. And these are the issues, which are being carried by Ping Lacson. So, I believe that consistency is the name of the game,” sabi ni Piñol sa isang panayam. (Dindo Ma­tining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.