Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinky sinorpresa si Chavit

0 203

Tuloy ang pagpapasaya hanggang dulo! Muling pinatunayan ng host na si Chemist Pinky Tobiano na bawat finale episode ng kanyang show ay pasabog.

Isang sorpresa kasi ang inihanda ng “Table Love by Pinky” para sa special guest nitong si dating Governor ngayo’y Mayor Chavit Singson, sa darating na Sabado, Setyembre 18.

Sa kauna-unahang pagkakataon, makakasama ni Singson ang kanyang mga anak na sina Chelsey at Christian sa TV. Nakatulong ni Tobiano si Chelsey Singson upang buuin ang isang safari-inspired table kung saan binalikan nila ang ilan sa memorable moments niya kasama ang kanyang ama.

Talagang mahilig si Mayor Chavit Singson sa mga hayop at anumang bagay na may kinalaman sa safari.

Binahagi rin ni Chelsey kung gaano ka-supportive ang kanyang ama pagdating sa kanyang mga pangarap. Naging emosyonal ito nang muli niyang ishinare ang pagkakasakit ng kanyang ama.

Habang inaayos ang mesa, pinag-usapan nila kung bakit nga ba napaka-mapagbigay ni Mayor Chavit Singson.

Sa kanilang sitdown interview matapos ang sorpresa kay Mayor Chavit, nakasama nila si Christian na nagkwento naman ng mga bagay na lubos niyang ipinapagpapasalamat sa ama. Ibinida rin niya na ituturo niya sa kanyang mga magiging anak ang mga bilin ng kanyang ama.

Napag-usapan din nina Tobiano at Singson ang proyekto niyang Gracia Telecom na magbibigay daan upang mapabilis ang transaksyon sa pagbabayad ng anumang bills sa mga probinsya.

At dahil kilala si Mayor Chavit Singson sa pagtulong sa mga mahihirap na patuloy na nagsisikap, isang huwarang ina mula sa Novaliches ang naabutan ng tulong. Isang kwento ng inspirasyon ang hatid ni Arcele Lingon, isang factory worker na may anak na may cerebral palsy. Mag-isa niyang naghahanap-buhay matapos mabulag ang asawa nito.

Alamin kung ano nga ba ang naihatid na good news ng programa kay Nanay Arcele sa tulong mismo ni Mayor Chavit Singson.

Napapanuod sa TFC at iWant ang “Table Love by Pinky” tuwing Sabado, 4pm sa USA/Canada, Pacific, Saudi/London, Asia at 6pm sa Guam.

Abangan ang pagbabalik nito sa mas pinalawak, mas pinaganda at mas pinasayang season. ‘Til we dine again!

Leave A Reply

Your email address will not be published.