Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinklawan vs Pulahan: Andrew, Pokwang kaloka eksena sa Boracay

0 548

Nagkita nang hindi sinasadya, habang nagbabakasyon sa Boracay sina Pokwang at Andrew E.

Parehong mga naging todo ang pagsuporta ng dalawa sa kanilang mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente.

Kung si Pokwang ay kina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan, si Andrew naman ay kina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Hindi nag-cancelled o nauwi sa pag-a-unfriend sa isa’t isa ang dalawa, dahil ayon kay Pokwang, naging mapayapa at ending, respeto pa rin daw ang nanaig sa kanilang dalawa.

Sa Instagram, sinabi nito na, “Sa bandang huli, respect dito sa @twoseasonsphilippines naganap ang mapayapang gabi with @andrewe_dongalo nagkataon, nagkita kasama ang mga pamilya.”

Pero bukod sa nauwi naman sa maayos na pagkikita ng dalawa, naging kapansin-pansin din sa ilang netizens na kasama na sa picture ang partner at Daddy ng anak ni Pokwang na si Malia na si Lee O’ Brian.

Naiisip na pala ng mga netizen na hiwalay na ang dalawa dahil wala na raw post na magkasama ang mga ito. Kaya tila nagulat pa na this time, kasama nilang mag-iina sa Boracay si Lee.

“Sobrang tagal na walang post with papang, kala ko wala na kayo. Glad he is still there, sana forever.”

‘Inatake ng lungkot, takot’: Winwyn 2 linggong iyak nang iyak

Inamin ni Winwyn Marquez na nararanasan niya ngayon ang postpartum disorder. Kahit na dalawang linggo pa lamang simula nang maipanganak niya ang kanyang baby girl.

At may mga pagkakataon daw na ramdam na ramdam niya ang pressure at iyak lang siya nang iyak ng ilang araw. Pero malaking tulong daw sa kanya na may mga nakakausap.

Noong buntis daw siya sa baby niya na si Luna, ibang klase ang journey niya, ngayon na naipanganak na niya ang anak, ibang mundo na.

Aniya, “Two weeks postpartum. There are times that I find myself fold under the pressure of if all and cry for days pero natutunan ko that I shouldn’t be afraid to ask help because even if I think I can do everything alone and be a super mom (like I imagined while being pregnant) with my new born—I can’t yet. Laking tulong na supportive ang partner. A simple hug and paalala na nandiyan siya, malaking bagay na. Sabi nga nila it will be a little easier as days go by.

“I know a lot of new moms na-experience din to sa unang stage and gusto ko kayo i-hug!!! Hindi madali… madaming questions and fears pero please remember you are not alone. We can do this mama para kay baby kakayanin.”

Marami rin celebrities ang nag-comfort kay Winwyn at nagsabing be strong lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.