Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinintang mukha ni lola parang litrato

0 171

Hinangaan ng mga netizen ang painting ng isang apo para sa kanyang pinakamamahal na lola dahil para itong litrato gamit ang camera.

Ipinasya ng artist na si John Cyril Dojalyo, 18-anyos, mula sa Roxas City, Capiz na gawing modelo ang kanyang lola bilang pagpupugay at pasasa­lamat dito.

Ayon kay Cyril, ang lola niya kasi ang nagpalaki at nag-alaga sa kanya mula pagkabata.

“Kaya gusto ko siyang regaluhan at mapasaya ngayon gamit ang talento ko sa pagpinta.”

Nalaman na nahirapan si Cyril sa kanyang 3×4 oil on canvas na hyper-realistic painting at matapos ang isang buwan ng pagpupursigi ay natapos din niya ito.

“Still practicing in this kind of subject. Balang araw, mama-master din kita,” banggit pa ni Cyril sa Facebook post na umani na ng 1.1K reactions, 218 comments at 118 shares.

Samantala, nabatid na ang tatay ni Cyril ay isa rin palang artist. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.