Una sa Balita

Pinigil na NoKor ship, nakaalis na

0 170

Nakaalis na sa bansa ang Korean vessel na una nang pinigil ng pamahalaan bilang pagsunod sa sanction na ipinataw ng United Nations (UN) sa North Korea, ayon sa Philippine Coast Guard.

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, ang North Korean vessel na M/V Jin Teng ay umalis alas-dos kamakalawa ng hapon sa pier sa Subic, Zambales.

Pinayagan umano ng PCG na umalis ang M/V Jin Teng alinsunod na rin sa United Nations Security Council Resolution 2270, sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala nang dahilan para ipagpatuloy ang pag-hold sa nasabing Korean vessel dahil pinayagan na itong umalis ng UN.

Matatandaan na noong Marso 8, 2016 ay pinigil ng PCG ang nasabing barko bilang pagsunod sa direktiba ng UN na ang lahat ng mga barko ng North Korea ay piglin at inspeksyunin bilang parusa sa kanilang nuclear weapons program. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More