Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pingris tutok sa DOTA

0 33

BUKOD sa basketball, isa pang kinahihiligan ni ‘Pinoy Sakuragi’ Marc Pingris ang paglalaro ng DOTA.

Madalas maglaro ng DOTA ang Magnolia Hotshots veteran kasama si six-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen.

Ngayon na matagal pa ang pagsisimula ng PBA at wala pang opisyal na anunsiyo kung maglalaro pa ito, nag-set up muna si Pingris ng gaming PC para sa DOTA.

Ibinida ni Pingris ang kanyang set up kung saan ay naka-tag pa si Fajardo.

“Game na! Mga ka dota!!!” sey ng basketbolista.

Matatandaan na noong isang taon ay nagsagawa ng DOTA for a Cause sina Pingris at Fajardo para makapagbigay tulong sa mga naapektuhan ng pandemya. (Sarah Jireh Asido)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.