Una sa Balita

Pingris pilay na tutulong sa Gilas

0 434

KUNG hindi makakalaro sa Gilas Pilipinas, sa kahit anong paraan ay tutulong si Marc Pingris sa kampanya ng national team sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Dumating si Pingris sa ensayo ng ­Gilas, Martes ng gabi na may protective gear sa kanang tuhod. Nagka-injury aniya siya sa ensayo ng Magnolia.
“Natamaan sa praktis,” paliwanag ng basketbolista.

Nagpaalam na aniya siya kay Gilas interim coach Mark Dickel na hindi muna mag-eensayo.

Pero naroon siya sa Meralco Gym, tumutulong kina Dickel at sa coaching staff sa ensayo ng iba pa sa pool.

Sa Feb. 20 ang unang laro sa first window ng Asia Cup qualifiers, iho-host ng Pilipinas ang Thailand sa Smart Araneta Coliseum. Makalipas ang tatlong araw ay dadayuhin ng Pinoys ang Indonesians sa Jakarta.

Sa igsi ng pagitan at sa iniinda, mukhang hindi na nga makakalaro ang 38-anyos na Gilas veteran.

Pero open aniya siya kahit anong paraan para maka­tulong, kahit sa sidelines. Malaking bagay ang kanyang kaalaman sa ­depensa at pagka-beterano para sa mga batang nasa pool.

Mapasama sa coaching staff?

“Kahit ano, playing-coach, coach, player. Basta para sa bayan, gagawin natin,” panapos na namutawi kay Pingris. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More