Una sa Balita

Pingris kating maglaro sa All-Star

0 455

Hindi itinago ni Magnolia veteran Marc Pingris ang kagustuhang gumaling agad mula sa injury lalo pa’t nakasama siya sa 2019 PBA All-Star reserves.

Bagama’t isang taon nang bakante sa pag­lalaro, nagka-ACL injury noong Marso 2018, hindi pa rin nawalan ng kumpiyansa ang bawat PBA coach sa kakayahan ng ‘Pinoy Sakuragi’ matapos piliin para sa taunang event.

At kanyang ibibigay ang lahat makapaglaro lang sa All-Star, dagdag motibasyon na gaganapin ito sa Pangasinan kung saan nagmula ang beteranong manlalaro.

“Kung palalaruin ako, parang laro-laro lang para sa fans,” ayon kay Pingris.

“Siyempre proud tayo kasi diyan tayo ga­ling. Taga-Pangasinan tayo. Kung ano sabihin ni coach, ni commissioner, gagawin ko ‘yun para sa mga fan at mga kababayan ko. Kung puwede sumayaw, sasayaw,” aniya pa.

Tungkol naman sa estado ng pangangata­wan ng dating Team Pili­pinas member, inilahad nito na umaayos na ang kanyang kalagayan at nakakatakbo na rin na nangangahulugan nang nalalapit niyang pagbabalik sa hard court.

Hop test na lang umano ang kailangang ipasa at makakasalang na muli siya sa laban.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy