Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ping, Sotto kinontra dagdag buwis

0 147

SANTA ROSA, Nueva Ecija — Binatikos nina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang panukalang bagong tax package ng Department of Finance na makakatulong sa susunod na presidente na maayos ang trilyong pisong pagkakautang pagkatapos ng administrasyong Duterte.

Naniniwala sina Lacson at Sotto, na hindi kailangan ng panibagong buwis dulot ng hindi magkakatugmang mga polisya gayundin ang kawalan ng katatagan sa pagkolekta sa revenue ng Bureau of Internal Revenues at Bureau of Customs.

“‘Yon ang ‘di ko maintindihan. Nagpasa tayo ng CREATE lowering the corporate income tax from 30 to 25 sa big corporations, [sa mga may] 100 million to 500 million taxable income [at] 30 to 20 sa below 5 million ang taxable tapos ngayon mag-i-increase na naman tayo ng tax? Ano ba talaga, kuya?” sabi ni Lacson sa isang press conference.

Ang tinutukoy ni Lacson ay ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) measure na magbabawas sa corporate income sa 25% mula sa dating 30% para sa mga korporasyon at 20% naman para sa micro, small at medium enterprises.

Sa panig ni Sotto, sinabi nitong hindi na kailangan pa ng bagong buwis at taasan ang buwis basta’t magiging istrikto lang ang gobyerno sa revenue collection mechanisms. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.