Una sa Balita

Ping sa insertion ng mga mambabatas: Lantad na, buking na kayo!

By
0 984

HINAMON ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang ibang mambabatas na isapubliko ang kanilang mga amendment sa panukalang P3.757 trilyong national budget ngayong taon.

Ito aniya ay upang patunayan sa publiko na ang bicameral conference committee meeting ay hindi venue para sa horse trading o kompromiso ng mga mambabatas.

“In the spirit of transparency, I instructed my staff to make public all my amendments in the 2019 national budget. I hope all proponents will do the same to remove all suspicions that the bicameral conference is a venue for sneaky horse trading among legislators,” saad ni Lacson.

Iginiit ni Lacson na ang kanyang mga inirekomendang pagbabago sa national budget ay institutional amendments na mabibiyayaan ang mga sektor sa edukasyon, environment at national security.

“Our taxpayers can thus sleep well knowing there is no room for ‘pork’ with these institutional amendments,” dagdag ni Lacson.

Kabilang sa inirekomenda ni Lacson ang pagtataas ng Quick Response Fund sa P4 million mula P2M; at ang pagtataas sa P7.68 billion mula sa P3.967B na pondo para sa School-Based Feeding Program o ang 240 days of lunch meals.

May amendments din ang senador sa Teacher Quality and Development Program, umento sa textbooks at iba pang instructional materials at computerization program.

Sa DENR, inirekomenda ni Lacson ang pagtataas ng pondo ng Environmental Management Bureau (EMB) gayundin sa Judiciary o dagdag na pondo sa Supreme Court (SC) at lower courts na aabot sa P920.669 milyon.

Noong Lunes ay isiniwalat ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na umaabot sa P190 bilyon ang insertion ng mga senador sa 2019 natio­nal budget. Ang budget insertion ay maihahalintulad sa pork barrel fund dahil may ‘say’ ang mambabatas na nagsulong nito.

Nagbanta pa kahapon si ­Andaya, chairman ng House committee on appropriations, na gigibain ang sinumang magtutulak sa agarang pagpapatibay ng panukalang budget.

Matatandaan na inakusahan ni Andaya si Budget Secretary Benjamin Diokno na nagsingit ng P75B alokasyon sa 2019 national budget na karamihan ay napadpad sa Department of Public Works and Highways (DPWH) pero kalaunan ay kinumpirma ni Sec. Mark Villar na hindi nito alam.

“Minamadali na naman, para and’yan ulit ‘yung mga nadiskubreng anomalya noong 2018 budget. I know where the places are. I was forced to do it, dared to do it,” giit ni Andaya.

“I will bring this house down. If they will pass the budget without thinking, I’ll bring everybody down. You know it. I know it,” pagbibi­gay-diin pa nito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More