Una sa Balita

Ping sa DA: Kasuhan ang utak ng mga depektibong farm equipment

0 396

HINIKAYAT ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Agriculture na kasuhan ang nasa likod na diumano’y distribusyon ng mga depektibong farm equipment para sa mga magsasaka.

“It’s really disgusting to see far­mers suffering some more on account of not just mismanagement… Obvious­ly may nakinabang dito,” pahayag ni Lacson sa budget deliberation ng panukalang pondo ng DA sa Senado.

“I would urge the good DA Sec. William Dar not to stop at mere audit, but charges should be filed. Sino ba sa office in charge of procurement ng farm machinery?” dagdag pa nito.

Noong 2018, naglaan ang DA ng P8.5 milyon para sa pagbili ng farm equipment na ipinamahagi sa mga grupo ng magsasaka sa Eastern Visayas.

Sa dokumentaryong ipinalabas sa ABS-CBN, ilang mga magsasaka sa Leyte ang nagreklamo sa ibinigay sa kanilang farm equipment—na nagkakahalaga ng P100,000 hanggang P1 milyon—ay masyadong maliit at hindi akma sa pagsasaka,
Ayon kay Lacson, para hindi maulit ang naturang anomalya, dapat umanong kasuhan ang mga distributor na nasa likod ng mga depektibong farm equipment.

“To prevent a repetition of that anomaly, we should show these people the secretary means business, by going after them. Not just stop at auditing them but charges should be filed against those responsible,” sabi ni Lacson.

“Kasi this is plain and simple crimi­nal act. Ako I don’t want to believe ‘di sinasadya ‘yan. Kung 1-2 puwedeng hindi sinasadya pero kung commonplace at sira ang equipment mukhang may kumita nang malaki,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy