Una sa Balita

Ping namigay ng PPE sa St Luke’s, sinaluduhan

0 685

Walang press statement at bitbit na media, tahimik na namigay si Senador Panfilo “Ping” Lacson ng mga personal protective equipment (PPE) sa mga frontliner ng St. Lukes Medical Center sa Quezon City bilang kanilang panlaban sa coronavirus disease.

Hindi naman pinalampas ng mga health worker ang kabutihang loob ni Lacson kaya nag-post sila sa social media para pasalamatan ang senador.

Sa post ng Twitter user na si Belle Enriquez, ipinakita nito ang maikling video kung saan hawak-hawak ng mga OB-GYN frontliner ang mga pinadalang PPE ng senador.

“Medical workers are the forefront of the battle against COVID-19, and we have to support them however we can. Thank you, Senator @iampinglacson for supporting our frontliners,” tweet ni Belle Enriquez@DigitalBelle

“Thank you for donating Personal Protective Equipment (PPE) sets to the frontline health workers at St. Luke’s Medical Center. This is definitely a big help from them and a huge boost to their morale,” dagdag pa nito.

Sagot naman ni Lacson, hindi umano siya ang dapat pasalamantan kundi ang ‘good samaritan’ na hindi nito pinangalanan.

“Please don’t thank me. I did not donate those PPE’s. A Good Samaritan did,” tugon ng senador.

Hinangan naman ng netizen ang kabutihan ng senador.

“I admire you Senator. Real talk, calls a spade a spade. No drama. Salute to you sir!” sabi ng Twitter user na si JCCruzisTheOne. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More