Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ping namigay ng diaper, napkin

0 700

195 pamilya na binaha sa Alcala, Cagayan ang naabutan ng tulong nina Senador Ping Lacson at ng ‘Tulong ni Yena’ rehabilitation program.

Sa Facebook, nagpasalamat si netizen Jasmin Achanzar sa tanggapan ni Lacson sa mga pinaabot nitong donasyon.

Tumulong din umano ang opisina ng mambabatas sa pagbiyahe ng mga in-kind donation mula Maynila patungong Cagayan.

Ilan sa mga donasyon ni Lacson ang food pack (kabilang ang 5-kilong bigas at 5-galon ng tubig), hygiene kit (kabilang ang diaper at sanitary napkin), cleaning kit, at mga reusable face mask.

Namigay naman ang Tulong ni Yena ng 250 school supplies pack para sa mga apektadong estudyante.

https://www.facebook.com/jasmin.tagudar/posts/3671356949582236

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.