Una sa Balita

Ping, Mon pumalag sa pag-divert ng P5M Marawi fund sa Mecca tour

0 403

PINALAGAN ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang paggamit ng limang milyong pisong Marawi fund para sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia.

Binanggit ito ni Lacson matapos ipagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diversion ng pondo, kasabay ng panawagan sa Commission on Audit (COA) na payagan ang paggamit ng pondo sa ibang gastusin.

Ayon pa kay Pangulong Duterte, mahalaga ang Hajj pilgrimage sa mga Muslim kaysa sa housing project sa Marawi City.

Ngunit sa tweet ni Lacson kahapon, binigyang-diin nito na hindi naman ito usapin kung ano ang mas mahalagang gastusan.

“It is not a question of which is more important between religion and housing. It is about technical malversation…(c) the public use for which the public funds or property were applied is different from the purpose for which they were originally appropriated by law or ordinance,” diin ni Lacson.

Kinuwestyon din ng kolumnistang si Ramon Tulfo ang ginawang paggamit ng Marawi fund sa pilgrimage ng mga taga-Marawi sa Mecca, Saudi Arabia.

“Any way you look at it, Task Force Marawi Chairman Eduardo del Rosario did wrong when he diverted P5 million from the Task Force Bangon Marawi to finance the pilgrimage of Marawi siege victims to Mecca, Saudi Arabia,” diin ni Tulfo sa kolum nito sa Manila Times.

Mali umano ang paliwanag ni Del Rosario na ang diversion ng pondo patungo sa National Commission on Muslim Filipinos ay bahagi ng ‘social healing process’ para sa rehabilitasyon ng Marawi.

“But engaging in the ‘social hearing process is not del Rosario’s job. His job is to restore the old splendor of Marawi that was destroyed by the months-long siege of the city,” katwiran ni Tulfo na isa ring special envoy to China.

Sa isang talumpati nitong Huwebes, nagbabala si Pangulong Duterte ng rebolusyon kapag nakulong si Del Rosario dahil sa pagpapagamit nito ng limang mil­yong piso sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia ng mga taga-Marawi.

“Sabihin ko kay COA, huwag mong presuhin ‘yan si Del Rosario kasi kung presuhin mo, pati ako mademanda, pati si Inday (Mayor Sara Duterte). ‘Pag nademanda ang anak ko, pati ako, mapreso ako mag-revolt ulit kami dito sa Mindanao, kayo ang bahala,” babala ng Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy