Una sa Balita

Ping: May reporma para sa Baguio si Magalong

0 384

MAS repormadong Baguio City ang nakikita ni Senador at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson sa ilalim ng liderato ni retired Police General Benjamin Magalong kung ito ang magiging susunod na alkalde ng lungsod.

Naging batayan ni Lacson ng magiging reporma ng Baguio City ang platapormang ginagamit ni Magalong sa kanyang pangangampanya sa iba’t ibang lugar na nasasakupan ng lungsod.

“This is a great chance for the people of Baguio City to elect and be led by someone like General Ma­galong, who has both the integrity and competence for the job,” pahayag ni Lacson nang umakyat ito sa lunsod upang ipaliwang ang kanyang BRAVE bill.

Ang BRAVE bill ni Lacson ay naglalayong bigyan ng ganap na kalayaan ang mga lokal na pamahalaan na direktang kunin sa national government ang kanilang pondo para magamit ang mga ito sa mga prayoridad na proyekto sa mga nasasakupan.
Si Magalong ay dating tauhan ni Lacson at bago magretiro kamakailan ay naging pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG)
“If there is one person in whom I will entrust a delicate and dangerous mission, without having to doubt its outcome or result, hands down and without mental reservation, I will assign it to General Magalong,” dagdag pa ni Lacson.

Kabilang sa mga usapin na dinadala ni Magalong sa kanyang pangangampanya ay ang kalikasan, trapiko, kapayapaan at kaayusan, edukasyon at kalusugan, turismo, sining at kultura, pangangalaga sa mga bahagi ng kasaysayan, pinabilis na serbisyo ng mga sangay ng pamahalaan sa publiko at pagpapairal ng makatuwirang disiplina.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy