Una sa Balita

Ping kay Isko: Iwasan ang maruming politika!

0 493

UMAASA si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na maipagpapatuloy ni Manila Mayor Isko Moreno ang magandang performance at hindi makain ng madu­ming politika sa natu­rang lungsod.

“I hope I am not speaking too soon. As long as we see the emergence of new leaders like Mayor Isko Moreno, we can look forward to retirement and continue dreaming big for our beloved country,” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter post kahapon.

“Let’s pray that he will not be eaten by the system that consumed many others before him,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos mapansin ang magandang repormang ginagawa ni Moreno sa lungsod ng Maynila partikular ang pagtaboy ng mga illegal vendor sa panguna­hing lansangan sa siyudad.

Ibinunyag pa ni Moreno na sinusuhulan siya ng P5 milyon kada araw para itigil na ang kanyang kampanya laban sa mga illegal vendor.

Si Moreno ang tuma­lo kay dating Manila Joseph ‘Erap’ Estrada sa hala­lan noong Mayo. (Dindo Mati­ning)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy