Una sa Balita

Ping kay Digong: Huwag sayangin imbitasyon ni Trump

0 405

DAPAT lang umanong tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon sa kanya ni President Donald Trump na dumalo sa summit sa pagitan ng US at mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, pagkakataon aniya ito para linawin ni Dutete ang ilang isyu na ibina­bato sa kanya lalo na sa usapin ng human rights at ng kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

“Being an active and prominent member of the ASEAN, the Philippines must maintain its status in the internatio­nal community,” paha­yag ni Lacson sa kanyang text message kahapon sa mga reporter.

“PRRD’s presence in the US summit can also serve an opportunity to clarify whatever issues are being raised especially on human rights and the administration’s anti-illegal drugs campaign.

…As well as the country’s judicial system and due process brought about by the resolution filed by some US senators in relation to the Magnitsky Act,” dagdag pa nito.

Dahil opisyal na imbitasyon ito ni Trump, dapat pagkalooban si Duterte ng kinakaila­ngang diplomatic immunity at courtesy bilang isang head of state.

“Since he was officially invited by Pres Trump, the President will be accorded the necessary diplomatic immunity and courtesy befitting a head of state, so there should be no apprehension on how he will be treated while in the US territory,” sabi pa ni Lacson.

Bukod kay Duterte, inimbitahan din ni Trump ang siyam na iba pang mga Asean leader.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala pang opisyal na impormasyon kung tinanggap na ni Duterte ang imbitasyon sa naturang summit na isasagawa sa Marso 14, 2020 sa Las Vegas. (Dindo Mati­ning)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More